
Hindi ka tunay na Pilipino pag wala kang ginagawang kacheapan sa buhay mo. Hindi pwedeng wala. Halimbawa, kacheapan ang ginagawa mo pag may gusto kang mangyari, pero ayaw mo naman gumastos. Kapag alam mong mali, gagawin pa rin. Kapag gusto mo maging cool, pero sablay naman. Kacheapan.
Itong blog na to ay para sa mga kacheapan sa paligid. Sa bahay. Sa eskwela. Sa opisina. Sa kongreso. Sa kwarto ng kabitbahay nyo. Sa Starbucks. Sa tapat ng entrance ng mall kung saan malakas ang aircon. Kacheapan at kacheapan din lang ang paguusapan, di tayo mauubusan nyan. Kung pera lang ang kacheapan eh siguro matagal nang superpower ang Pilipinas. Pero hindi. Kacheapan lang talaga. Kaya let's celebrate it!
Welcome to Kacheapan! Ang blog na by the Pinoys for the Pinoys (na nagfefeeling)!
Welcome cheapipays!
ReplyDelete