Monday, August 15, 2011
Kacheaphone - Drop Call
"Helloanditonakopuntakana *click*"
"Ditomalapitsafountainnakaredako *click*"
"Okkasamakongapalaexkoha *click*"
"Gag*tarantad*hij*dep*t* *click*"
Bago pa nakaroon ng Sun "official carrier ng mga chipangga" Cellular, nauso ang drop call. Kung taong gubat ka na hindi pa nagmamayari ng cellphone noong unang panahon o hindi mo lang talaga alam ang mga kacheapan sa paligid mo, ang drop call e yung mga tawag na di lalagpas ng 5 segundo. Pag ganun kabilis kasi, hindi sya nakakabawas ng load.
Libre.
Alam mo naman ang pilipino, pag nakaamoy ng libre, parang gutom na sawa na nakakita ng walang muwang na sanggol. Ayun. Akala mo eh naging Twitter na yung telepono mo sa dami ng naglipanang 5-second kacheapan sa airwaves.
"Obakitwalaparinkayokaninapaakoditoayshetmag5secondsna *click*"
"Ang. Cheap. Mo! *click*"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Grabe, dumaan ako dyan. ang sakit mo naman magsalita :P
ReplyDelete