Aminin mo na. At one point or another, ginawa mo rin to eh. Siguro nabore ka lang dun sa kausap mo. O di kaya, ayaw mo lang mukha kang tanga na nakatunganga. So, may-I-reach-my-phone ka at pretend to the max na may tinatawagan. Parang nagpopower acting, kahit di ka naman actor material, tas ang audience mo eh kung sinong kaluluwa ang makakadinig sayo. O, ano? Tama ako diba? Ginawa mo rin yan no? Parang, sino kaya ang kausap mo? Si Casper? Sureness ako ginawa mo yan.
Naalala ko dati (as in many years ago) eh may isang certain semi-famous singer na gumawa nito dati sa Starbucks. Anlakas ng boses, kaya alam na alam mo kung ano ang pinaguusapan, kahit ayaw mo naman malaman dahil walang mabuting idudulot yun sa buhay mo. Pupunta pa daw ba sya sa party, eh busy sya with her appointments. Wa naman pake da people around her, pero sige pa rin sya, siguro para make pansin yung mga tao na nagcocoffee lang in peace. Tapos siguro kahit si Lord galit sa mga taong gagawin ang lahat ng kacheapan para mapansin kaya mid sentence, biglang nagring ng pagkalakaslakas ang telepono. Tulala si girl. Yung mga other customers naman, biglang napadasal din na sana wag umurpit yung iniinom nila papalabas ng butas ng ilong nila habang pinipigilan with their super powers ang paghalakhak ng malakas sa sinapit ng papanchok na mangaawit. Ayun pala. Yung parting aattendan ni singer eh sa loob lang ng kanyang malusog na imahinasyon. BYOC siguro.
Bring your own kacheapan.
No comments:
Post a Comment