Nagbayad ka ng concert ticket. Hindi sa harap na harap, pero tamang layo lang. At least andun ka, kita mo yung paborito mong musician in person. Yun naman talaga ang appeal ng mga concert. Pero bakit kailangan pa magrecord sa cellphone? Bakit, kahit na andun ka na at kita mo na ng live, magtitiis ka pa na panoorin ang performance sa maliit na LCD ng telepono mo para lang makakuha ng malabo at kakalogkalog na video?
Anong mapapala mo pag nirekord mo ito? Para may maipagmalaki sa mga kaibigan mong hindi nanood? Alam mo ang pwede nilang gawin? Manood ng mas malinaw na kopya sa internet. Yung hindi nirecord ng kaliwang kamay na nangangawit na kasi kalahating oras nang nakataas. Yung hindi humaharang sa mga taong nagbayad din ng entrance, nahaharangan ng braso ng nagrerecord. Kasi kung ikaw, matitiis mo na manood ng cheap, baka sila ayaw sa kacheapan.
Enjoy the moment! Magpadala sa musika at wag sa kacheapan!
No comments:
Post a Comment