Oo na, nakaauto ka. At oo na, alam namin na bilang isang teenager o isang taong di na nakalagpas sa phase ng pagiging teenager, mahilig ka sa malakas ma music. Pero anong pumasok sa utak mo at naisipan mo na cool pag nagpatugtog ka ng malakas ng nakababa ang bintana mo? Gaganda ba ang tingin ng mga tao sa auto mo pag nakikita nila ito saliw sa tugtog ni 50 Cent? Mahuhumaling ba ang mga kababaihan pag nakita nilang mahilig ka sa musika ni Eminem?
Kahit di ka nanliligaw, sasagutin kita: HINDI. Nakakaistorbo ka lang. Para kang jolog association hiphop party na may gulong. Gangsta ka nga. Gangs tanga.
Kung gusto ng mga gumawa ng sasakyan mo na mangbulabog ng mga taong nasa labas ng auto, lahat ng speakers mo nasa labas ng sasakyan. At habang yan na rin lang ang pinagusuapan natin, kung magpatugtog ng malakas habang mabagal kang tumatakbo sa mataong lugar ang hilig mo sa buhay, bakit di ka na lang mag palit ng sasakyan lumipat ng hanapbuhay?
Wag magpatugtog ng malakas. Ito ng kacheapan na delikado sa kalusugan mo. Kasi ang malakas na tugtog galing sa speakers na nakatutok sa lower part ng katawan mo, ke kulong man o bukas ang bintana mo,
Nakakabaog.