Nung unang lumabas ang Friendster many many years ago, para syang personalized yearbook. I-aadd mo yung friends mo, tapos yung mga masipag at gustong patunayan sa mundo na hindi ka isang antisocial na mamamatay tao, nagiiwan ng "testimonial". Parang sa mga commercial product lang diba? "BFAD certified", "ISO-9001 compliant", o di kaya "Paborito ng anak ni Kris Aquino". Okey, kasi isang tingin mo pa lang sa profile, andami mo nang matututunan sa mga
KASO.
Di naglaon, habang dumadami yung testimonial ng mga tao (siguro yung mga totoong friendly, o marami lang talagang suckups) yung iba naman napagiiwanan na lang. Yung mga tipong lima na lang testi mo, tatlo pa dun galing sa isang tao lang na hindi marunong gumamit ng private messaging at nakikipagkilala sayo.
Pag may Friendster ka at walang nagtetestimonial sayo, para kang GRO na walang nagtatable. Napapaisip lahat ng tao kung anong klaseng tao ka at kung anong sakit mo. Mamamatay tao ka ba? Dati ka bang preso sa muntinlupa? Totoo bang ikaw ang hunchback of notredame?
Dahil dito, at dahil na rin siguro sa ayaw ng mga tao na mabilis magload ang page nila, nauso ang kacheapan phrase na "TESTI NAMAN JAN". Yung parang, nagmamakaawa ka na iacknowledge ka ng mga tao. Kahit san yan sinasabi. Minsan in person (kapal), minsan dun pa mismo sa testimonial list mo, at kung minsan, sinasabi pa to pagkatapos na pagkatapos lang ng testi nya sayo na sobra sobra ang puri na kulang na lang eh tawagin ka nang ikalawang pagbabalik ni Kristo - mga tipong "o ayan ha. may testi ka na. ako naman."
Fishing? Oo. Effective? Oo. Maipagmamalaki mo sa mga anak mo balang araw? Hindi.
Kasi sa Friendster ang testi, pwedeng hingin, pero ang dignidad, hindi.
No comments:
Post a Comment