Submit a Picture
Our Email is example@gmail.com you can send us funny pictures and we will publish it on our website with your name.
Subscribe Via Email
Get latest update in you Inbox!!!




ay olats.

Tuesday, August 23, 2011

The hair spray for good.

Minsan dumarating talaga tayo sa panahon ng crisis. Dumadaan sa panahong tag-hirap kaya tag-tipid din. Diyan subok na subok ang talento ng pinoy. Ang gumawa ng paraan para makaagdon sa araw araw ang kakarampot na salapi. Isipin mong sa kahirapan na kinakaharap natin araw araw ay nasusunod pa rin ang luho sa katawan.
Bakit at paano kamo?
Nakikita mo ang larawan sa taas, wonder-goods-from-china. Sa kung anong dahilan, mura ang mga ganyan. At kung gaano kamura, ganon din ikaw mapapamura sa kung anu ang mangyayare after mo gamitin ito. Nariyan ang sira kaagad na damit, sapatos, malupit na side effect sa muka at katawan ng kung ano anong beauty essentials, ibilang mo pa ang todo todo nilang warranty system. Men, hindi sa masamang tangkilikin ang mga produktong yan, magisip isip ka lang at maghanap ng mas kalidad. Wag puro KACHEAPAN.
Y U NO SHARE?

Monday, August 22, 2011

Kacheaphone #3 - Self-text sa cellphone

In response sa post ni kumparehong-magisip na si Redkinoko, idagdag mo na sa pagamin na sa isang punto ng buhay mo eh nag text ka sa sarili mo. Bakit ko naman gagawin yun hihey?! Tanong mo sa sarili mo habang binabasa ang akda na to. Eto ang mga sagot ko:

1. Gusto mo ipakita sa mga tao na bago ang phone mo kaya lalakasan mo ang message alert tone mo at mag tetext sa sarili sabay bigkas ng

Ay sorry, di ko na silent (while pa style na fina-flash ang phone sa madla) eeew
at magaantay ka ng
Nax, bago phone! Susyal! Yaman! (ul*l yabang kamo) 

2. Pede rin na para ma test ang bago mong downloaded na message alert tone
3. O kaya tumakas sa isang lugar
Ui sorry nag text na si mommy, galit na pinapauwi na ako

Haha style nyo! Gawain ko din yan.. minsan.. kaya alam ko :P

#Ewww
Y U NO SHARE?

Kacheaphone #2 - Who You Gonna Call? Ghost busted!

Aminin mo na. At one point or another, ginawa mo rin to eh. Siguro nabore ka lang dun sa kausap mo. O di kaya, ayaw mo lang mukha kang tanga na nakatunganga. So, may-I-reach-my-phone ka at pretend to the max na may tinatawagan. Parang nagpopower acting, kahit di ka naman actor material, tas ang audience mo eh kung sinong kaluluwa ang makakadinig sayo. O, ano? Tama ako diba? Ginawa mo rin yan no? Parang, sino kaya ang kausap mo? Si Casper? Sureness ako ginawa mo yan.

Naalala ko dati (as in many years ago) eh may isang certain semi-famous singer na gumawa nito dati sa Starbucks. Anlakas ng boses, kaya alam na alam mo kung ano ang pinaguusapan, kahit ayaw mo naman malaman dahil walang mabuting idudulot yun sa buhay mo. Pupunta pa daw ba sya sa party, eh busy sya with her appointments. Wa naman pake da people around her, pero sige pa rin sya, siguro para make pansin yung mga tao na nagcocoffee lang in peace. Tapos siguro kahit si Lord galit sa mga taong gagawin ang lahat ng kacheapan para mapansin kaya mid sentence, biglang nagring ng pagkalakaslakas ang telepono. Tulala si girl. Yung mga other customers naman, biglang napadasal din na sana wag umurpit yung iniinom nila papalabas ng butas ng ilong nila habang pinipigilan with their super powers ang paghalakhak ng malakas sa sinapit ng papanchok na mangaawit. Ayun pala. Yung parting aattendan ni singer eh sa loob lang ng kanyang malusog na imahinasyon. BYOC siguro.

Bring your own kacheapan.

Y U NO SHARE?

Monday, August 15, 2011

Kacheaphone - Drop Call


"Helloanditonakopuntakana *click*"

"Ditomalapitsafountainnakaredako *click*"

"Okkasamakongapalaexkoha *click*"

"Gag*tarantad*hij*dep*t* *click*"

Bago pa nakaroon ng Sun "official carrier ng mga chipangga" Cellular, nauso ang drop call. Kung taong gubat ka na hindi pa nagmamayari ng cellphone noong unang panahon o hindi mo lang talaga alam ang mga kacheapan sa paligid mo, ang drop call e yung mga tawag na di lalagpas ng 5 segundo. Pag ganun kabilis kasi, hindi sya nakakabawas ng load.

Libre.

Alam mo naman ang pilipino, pag nakaamoy ng libre, parang gutom na sawa na nakakita ng walang muwang na sanggol. Ayun. Akala mo eh naging Twitter na yung telepono mo sa dami ng naglipanang 5-second kacheapan sa airwaves.

"Obakitwalaparinkayokaninapaakoditoayshetmag5secondsna *click*"

"Ang. Cheap. Mo! *click*"

Y U NO SHARE?

Designed By Seo Blogger Templates | Xo so