Submit a Picture
Our Email is example@gmail.com you can send us funny pictures and we will publish it on our website with your name.
Subscribe Via Email
Get latest update in you Inbox!!!




ay olats.

Thursday, November 3, 2011

Mahirap maging mabait


at kacheapan ang maging magalang habang nag mumura
Y U NO SHARE?

Friday, September 2, 2011

Testi Naman Jan!


Don't forget my testi ha? Inilibre na kita ng pamasahe sa tren.


Nung unang lumabas ang Friendster many many years ago, para syang personalized yearbook. I-aadd mo yung friends mo, tapos yung mga masipag at gustong patunayan sa mundo na hindi ka isang antisocial na mamamatay tao, nagiiwan ng "testimonial". Parang sa mga commercial product lang diba? "BFAD certified", "ISO-9001 compliant", o di kaya "Paborito ng anak ni Kris Aquino". Okey, kasi isang tingin mo pa lang sa profile, andami mo nang matututunan sa mga iniistalk kaibigan mo. Okey na okey.

KASO.

Di naglaon, habang dumadami yung testimonial ng mga tao (siguro yung mga totoong friendly, o marami lang talagang suckups) yung iba naman napagiiwanan na lang. Yung mga tipong lima na lang testi mo, tatlo pa dun galing sa isang tao lang na hindi marunong gumamit ng private messaging at nakikipagkilala sayo.

Pag may Friendster ka at walang nagtetestimonial sayo, para kang GRO na walang nagtatable. Napapaisip lahat ng tao kung anong klaseng tao ka at kung anong sakit mo. Mamamatay tao ka ba? Dati ka bang preso sa muntinlupa? Totoo bang ikaw ang hunchback of notredame?

Dahil dito, at dahil na rin siguro sa ayaw ng mga tao na mabilis magload ang page nila, nauso ang kacheapan phrase na "TESTI NAMAN JAN". Yung parang, nagmamakaawa ka na iacknowledge ka ng mga tao. Kahit san yan sinasabi. Minsan in person (kapal), minsan dun pa mismo sa testimonial list mo, at kung minsan, sinasabi pa to pagkatapos na pagkatapos lang ng testi nya sayo na sobra sobra ang puri na kulang na lang eh tawagin ka nang ikalawang pagbabalik ni Kristo - mga tipong "o ayan ha. may testi ka na. ako naman."

Fishing? Oo. Effective? Oo. Maipagmamalaki mo sa mga anak mo balang araw? Hindi.

Kasi sa Friendster ang testi, pwedeng hingin, pero ang dignidad, hindi.
Y U NO SHARE?

Tuesday, August 23, 2011

The hair spray for good.

Minsan dumarating talaga tayo sa panahon ng crisis. Dumadaan sa panahong tag-hirap kaya tag-tipid din. Diyan subok na subok ang talento ng pinoy. Ang gumawa ng paraan para makaagdon sa araw araw ang kakarampot na salapi. Isipin mong sa kahirapan na kinakaharap natin araw araw ay nasusunod pa rin ang luho sa katawan.
Bakit at paano kamo?
Nakikita mo ang larawan sa taas, wonder-goods-from-china. Sa kung anong dahilan, mura ang mga ganyan. At kung gaano kamura, ganon din ikaw mapapamura sa kung anu ang mangyayare after mo gamitin ito. Nariyan ang sira kaagad na damit, sapatos, malupit na side effect sa muka at katawan ng kung ano anong beauty essentials, ibilang mo pa ang todo todo nilang warranty system. Men, hindi sa masamang tangkilikin ang mga produktong yan, magisip isip ka lang at maghanap ng mas kalidad. Wag puro KACHEAPAN.
Y U NO SHARE?

Monday, August 22, 2011

Kacheaphone #3 - Self-text sa cellphone

In response sa post ni kumparehong-magisip na si Redkinoko, idagdag mo na sa pagamin na sa isang punto ng buhay mo eh nag text ka sa sarili mo. Bakit ko naman gagawin yun hihey?! Tanong mo sa sarili mo habang binabasa ang akda na to. Eto ang mga sagot ko:

1. Gusto mo ipakita sa mga tao na bago ang phone mo kaya lalakasan mo ang message alert tone mo at mag tetext sa sarili sabay bigkas ng

Ay sorry, di ko na silent (while pa style na fina-flash ang phone sa madla) eeew
at magaantay ka ng
Nax, bago phone! Susyal! Yaman! (ul*l yabang kamo) 

2. Pede rin na para ma test ang bago mong downloaded na message alert tone
3. O kaya tumakas sa isang lugar
Ui sorry nag text na si mommy, galit na pinapauwi na ako

Haha style nyo! Gawain ko din yan.. minsan.. kaya alam ko :P

#Ewww
Y U NO SHARE?

Kacheaphone #2 - Who You Gonna Call? Ghost busted!

Aminin mo na. At one point or another, ginawa mo rin to eh. Siguro nabore ka lang dun sa kausap mo. O di kaya, ayaw mo lang mukha kang tanga na nakatunganga. So, may-I-reach-my-phone ka at pretend to the max na may tinatawagan. Parang nagpopower acting, kahit di ka naman actor material, tas ang audience mo eh kung sinong kaluluwa ang makakadinig sayo. O, ano? Tama ako diba? Ginawa mo rin yan no? Parang, sino kaya ang kausap mo? Si Casper? Sureness ako ginawa mo yan.

Naalala ko dati (as in many years ago) eh may isang certain semi-famous singer na gumawa nito dati sa Starbucks. Anlakas ng boses, kaya alam na alam mo kung ano ang pinaguusapan, kahit ayaw mo naman malaman dahil walang mabuting idudulot yun sa buhay mo. Pupunta pa daw ba sya sa party, eh busy sya with her appointments. Wa naman pake da people around her, pero sige pa rin sya, siguro para make pansin yung mga tao na nagcocoffee lang in peace. Tapos siguro kahit si Lord galit sa mga taong gagawin ang lahat ng kacheapan para mapansin kaya mid sentence, biglang nagring ng pagkalakaslakas ang telepono. Tulala si girl. Yung mga other customers naman, biglang napadasal din na sana wag umurpit yung iniinom nila papalabas ng butas ng ilong nila habang pinipigilan with their super powers ang paghalakhak ng malakas sa sinapit ng papanchok na mangaawit. Ayun pala. Yung parting aattendan ni singer eh sa loob lang ng kanyang malusog na imahinasyon. BYOC siguro.

Bring your own kacheapan.

Y U NO SHARE?

Monday, August 15, 2011

Kacheaphone - Drop Call


"Helloanditonakopuntakana *click*"

"Ditomalapitsafountainnakaredako *click*"

"Okkasamakongapalaexkoha *click*"

"Gag*tarantad*hij*dep*t* *click*"

Bago pa nakaroon ng Sun "official carrier ng mga chipangga" Cellular, nauso ang drop call. Kung taong gubat ka na hindi pa nagmamayari ng cellphone noong unang panahon o hindi mo lang talaga alam ang mga kacheapan sa paligid mo, ang drop call e yung mga tawag na di lalagpas ng 5 segundo. Pag ganun kabilis kasi, hindi sya nakakabawas ng load.

Libre.

Alam mo naman ang pilipino, pag nakaamoy ng libre, parang gutom na sawa na nakakita ng walang muwang na sanggol. Ayun. Akala mo eh naging Twitter na yung telepono mo sa dami ng naglipanang 5-second kacheapan sa airwaves.

"Obakitwalaparinkayokaninapaakoditoayshetmag5secondsna *click*"

"Ang. Cheap. Mo! *click*"

Y U NO SHARE?

Friday, July 29, 2011

Kotse-pan #2: Tugs Tugs, Tanga.





Oo na, nakaauto ka. At oo na, alam namin na bilang isang teenager o isang taong di na nakalagpas sa phase ng pagiging teenager, mahilig ka sa malakas ma music. Pero anong pumasok sa utak mo at naisipan mo na cool pag nagpatugtog ka ng malakas ng nakababa ang bintana mo? Gaganda ba ang tingin ng mga tao sa auto mo pag nakikita nila ito saliw sa tugtog ni 50 Cent? Mahuhumaling ba ang mga kababaihan pag nakita nilang mahilig ka sa musika ni Eminem?

Kahit di ka nanliligaw, sasagutin kita: HINDI. Nakakaistorbo ka lang. Para kang jolog association hiphop party na may gulong. Gangsta ka nga. Gangs tanga.

Kung gusto ng mga gumawa ng sasakyan mo na mangbulabog ng mga taong nasa labas ng auto, lahat ng speakers mo nasa labas ng sasakyan. At habang yan na rin lang ang pinagusuapan natin, kung magpatugtog ng malakas habang mabagal kang tumatakbo sa mataong lugar ang hilig mo sa buhay, bakit di ka na lang mag palit ng sasakyan lumipat ng hanapbuhay?


Kumikitang kabuhayan package


Wag magpatugtog ng malakas. Ito ng kacheapan na delikado sa kalusugan mo. Kasi ang malakas na tugtog galing sa speakers na nakatutok sa lower part ng katawan mo, ke kulong man o bukas ang bintana mo,

Nakakabaog.
Y U NO SHARE?

Wednesday, July 27, 2011

Concert Bomalabs

Nagbayad ka ng concert ticket. Hindi sa harap na harap, pero tamang layo lang. At least andun ka, kita mo yung paborito mong musician in person. Yun naman talaga ang appeal ng mga concert. Pero bakit kailangan pa magrecord sa cellphone? Bakit, kahit na andun ka na at kita mo na ng live, magtitiis ka pa na panoorin ang performance sa maliit na LCD ng telepono mo para lang makakuha ng malabo at kakalogkalog na video?



Anong mapapala mo pag nirekord mo ito? Para may maipagmalaki sa mga kaibigan mong hindi nanood? Alam mo ang pwede nilang gawin? Manood ng mas malinaw na kopya sa internet. Yung hindi nirecord ng kaliwang kamay na nangangawit na kasi kalahating oras nang nakataas. Yung hindi humaharang sa mga taong nagbayad din ng entrance, nahaharangan ng braso ng nagrerecord. Kasi kung ikaw, matitiis mo na manood ng cheap, baka sila ayaw sa kacheapan.

Enjoy the moment! Magpadala sa musika at wag sa kacheapan!
Y U NO SHARE?

Tuesday, July 26, 2011

Friendster Full-|||

Title pa lang gets niyo na ibig kong sabihin. Naalala niyo yung mga friends niyo o maging kaw na gumagawa ng maraming account at naglalagay ng "Full" sa huli ng mga pangalan para lang malaman ng mga tao na naubos mo ang limit ng friendster na 500/1000 friends? Kung marami account lalagyan ng "Full - I" ang unang account, o kaya "Full - 2" sa pangalawa o kung ano ano pang kaartehan. Lalo na ang paglalagay ng ^ - ' ` () @  kung ano ano pang kaartehan sa unahan ng pangalan para lumabas parati sa una ng listahan.

Pinapahirapan niyo maghanap sa inyo ang mga kaibigan nyo eh. Psss. Buti na lang hindi nauso sa peysbuk yan.

Rak en roll to the world! Ka-cheapan to the craziest level.
Y U NO SHARE?

Friday, July 22, 2011

Krimen Ang Smuggling



Usong uso ngayon ang paglagay ng European Carpate carplate sa ilalim ng lalagyan ng plaka ng mga sasakyan. Sa halagang 200 pesos, maipapakita mo na sa buong mundo na nangaling na sa europa ang sasakyan mo. Di ko matarok kung anong napapala ng mga tao sa paggawa nun. Kung sa tao to na gusto na ipaalam sa lahat ng tao na galing sya ng saudi, maglalakad sya ng tagilid at mauupo ng may unan sa pwet. Mali talaga eh.

Pero astig to, lalo na pag talagang galing sa Europa ang sasakyan mo. BMW? Benz? Alpha Romeo? Eh pano naman ang mga Toyota Corolla, vintage assemble 1991 proudly made in Laguna? PWEDE NA RIN YAN. Kunwari na lang, galing sa Laguna, tapos dinala sa Europe, tapos insmuggle ulit dito sa pinas sakay ng balikbayan box. O diba? Imported na rin yun!

Payo ko lang iho, bawal magsmuggle ng kacheapan. Marami na dito, wag ka nang magdagdag!
Y U NO SHARE?

Thursday, July 21, 2011

Angel: "Hahahaha. Sino dear?"


Sa bahay, si fan nagluluto. Sa TV, nagplay ang commercial ni Angel. Si Angel-fanatic naman, buong ligayang tatakbo sa harapan ng TV para hangaan ang idolo na kahit san-daang beses namang nakita ang commercial, tameme, lutang, windang sa all time favorite local artist.

Meron nagkakandarapa pag habol kapag nakita sa mall or kung saan mang public place para lang makahingi ng autograph na "Take care. Thank you" lang naman ang nakalagay.

Pero etong eskandalo ng isang Angel-fanatic sa Twitter ang certified Ka-cheapan.


Ang sandatahang tweeps naman, pinatulan ang kacheapan ni fan, ang magkapatid na Filian at Jamesian ng Ahzkhalz, may nagpablatter pa sa S.O.C.O. Next time fan, nasa internet ka na rin lang, background research muna ha.
Y U NO SHARE?

Patron o petron? Ang pagsasalin ng alak ay kacheapan


Ka-cheapan ang salinan ang walang laman na bote ng Patron ng ibang tequila na mas mura gaya ng El Hombre o kaya Mojito at sasabihin sa kaibigan na "Patron yan, wag nyo sayangin!". Patay tayo diyan, sila friendship naman manghang mangha sayo dahil magpapainom ka na lang Patron pa! Tsong, 'wag ganun, sarili mo lang ang niloloko mo. Ang yabang hinde nakakalasing, nakakalutang yan..
Y U NO SHARE?

Yosi Kadiri



Soyal ng yosi mo tol ah. Where you buy? Whoah. Mahal siguro yan. Talaga? Preferred brand mo? Ayos. Halatang living the life ka nga. Teka teka. Bat parang iba ang kulay nung stick? Ahh oo sige, di kasi ako masyado maalam sa ganyan. Teka. Bat parang iba? Eh bat amoy menthol yan? Umamin ka na. Tingi lang yan sa kanto na nilagay mo sa imported na kahon para mukhang cool. Payo ko lang brad: tantanan mo na yan. Magpakatotoo, at tigilan ng kacheapan!
Y U NO SHARE?

Wednesday, July 20, 2011

Kacheapan na pangangarir (karir/career)


Ka cheapan ang maghanap ng karir sa mga di naangkop na facebook page. Mas maganda kasi sana kung pabayaan na natin ang mga webpage na yan na magamit sa tamang paraan. PERO, mas malalang kacheapan ang pumatol sa ganto, gaya na lang nung apat  na nag comment.

xexemonz!
Y U NO SHARE?

Babad Beers



Mahal ang beer sa bar na napuntahan mo. Pag naubos ang kaisaisa mong beer, pagliligpitan ka na. Dyahe naman kung makita ng mga kasama mo na wala kang iniinom at nakikitambay lang. Kacheapan na solusyon? Wag sairin. Tatlong oras ang palipasin bago maubos ang huling lagok. Pag may nagtanong kung bakit parang minumumog mo na lang ang laman, "I'm just pacing myself."

Kapal "pace", ikamo.
Y U NO SHARE?

Kungfu-mulutan heavy


Ka-cheapan na ang malakas mamulutan sa isang inuman, pero mas malalang ka-cheapan naman pag ganto ka pa kumain ng pulutan. Excuse me po sir! May mga kainuman ka.
Y U NO SHARE?

Kacheapan NUMBER ONE



Hindi ka tunay na Pilipino pag wala kang ginagawang kacheapan sa buhay mo. Hindi pwedeng wala. Halimbawa, kacheapan ang ginagawa mo pag may gusto kang mangyari, pero ayaw mo naman gumastos. Kapag alam mong mali, gagawin pa rin. Kapag gusto mo maging cool, pero sablay naman. Kacheapan.

Itong blog na to ay para sa mga kacheapan sa paligid. Sa bahay. Sa eskwela. Sa opisina. Sa kongreso. Sa kwarto ng kabitbahay nyo. Sa Starbucks. Sa tapat ng entrance ng mall kung saan malakas ang aircon. Kacheapan at kacheapan din lang ang paguusapan, di tayo mauubusan nyan. Kung pera lang ang kacheapan eh siguro matagal nang superpower ang Pilipinas. Pero hindi. Kacheapan lang talaga. Kaya let's celebrate it!

Welcome to Kacheapan! Ang blog na by the Pinoys for the Pinoys (na nagfefeeling)!
Y U NO SHARE?

Designed By Seo Blogger Templates | Xo so